ni Robert Requintina

NA-MISS ng pageant fans si Shamcey Supsup-Lee, ang charismatic national director ng Miss Universe Philippines, sa departure ni Rabiya Mateo para sa 69th Miss Universe pageant kamakailan.

Ayon sa mga fans, umaasa silang makakasama ang former Binibini-turned-businesswoman sa departure ni Rabiya sa airport, pero hindi siya kasama.

So where’s Shamcey?

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Ayon kay Jonas Gaffud, ang creative director ng Miss Universe Philippines, hindi na sumama sa kanila si Shamcey sa airport.

“Aside from Miss Universe Philippines, Shamcey has kids and family business to attend to. Madalas nasa Zoom lang kami these days because of the pandemic,” pagbabahagi ni Gaffud, na ngayo’y nasa Los Angeles, sa isang interview nitong Lunes, Abril 12.

Gayunman, sinabi ni Gaffud, na palagi namang may komunikasyon si Shamcey sa Board.

Ayon pa sa pageant expert, nagtungo ng Bohol si Shamcey kung saan sinamahan niya at ng iba pang pageant officials si Rabiya para sa video at photo shoot ng kandidata.

Ito ang unang beses na nagpadala ang Pilipinas ng official delegate sa Miss Universe pageant sa ilalim ng ibang organization. Si Shamcey, na nagwaging third runner-up sa 2012 Miss Universe pageant sa Brazil, ang itinalagang national director ng Miss Universe Philippines Organization noong 2020.

Nang tanungin naman kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon ni Rabiya, matapos ang pagdating niya sa US, sinabi ni Gaffud na: “May jet lag siya so now rest muna.”

Inaasahang lilipad si Rabiya at ang Philippine delegation patungong Florida sa Mayo 6. Ito ang unang trip ni Rabiya outside the Philippines.

Higit 70 kandidata ang maglalaban-laban sa 69th Miss Universe beauty pageant na gaganapin sa Mayo 16 (May 17 sa Maynila).