ni Leandro Alborote

Grabeng nasugatan sa iba't ibang parte ng katawan ang isang driver ng motorsiklo sa rambolang naganap na kinasangkutan ng tatlo pang behikulo sa highway ng Barangay San Rafael, Tarlac City kamakalawa ng umaga.

Sa imbestigasyon ni Police Staff Sergeant Sonny N. Clemente, ang grabeng nasugatan ay si Victor Solomon, nasa hustong gulang, driver ng motorsiklo na may plate number DAY-510, ng Barangay Canan, Paniqui, Tarlac

Sangkot sa rambola ang isang pampasagerong vanna may plate number DAL-4988 at minamaneho ni Michael Mercado, 38, may-asawa, ng San Jose Teresa Homes, Tibag, Tarlac City; forward truck na may plate number CAH 2396 na minamaneho ni Homer Raagas, 22, single, ng Pulong Gubat, Guiguinto, Bulacan; at isa pang van na may plate number NAV- 7677 na minamaneho ni Gaudencio Ligon, 43, may-asawa, ng San Vicente, Bulacan.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Nangyari ang insidente dakong 6:50 ng umaga nang Isuzu van, at truck ang dalawang behikulo at aksident nagkabanggaan.

Isinugod si Solomon Tarlac Provincial Hospital at doon nilapatan ng lunas.