ni FER TABOY

Tatlong katao ang namatay nang tambangan sa Cotabato City kahapon.

Nakilala ang mga biktima na sina Ali Abdulrahim Tamal, asawa niyang si Norma Dalimbang Sapi Tamal, at kanilang anak na si Abuddy Sapi Tamal, 8, mga residente ng Shariff Aguak, Maguindanao.

Ayon kay Cotabato City Police Offfice(CCPO) director Col. Rommel Javier, sakay ang mga biktima sa isang Toyota Vios na may plakang NEG-7303 sa bahagi ng Jeremiel Street tapat ng LR Sebastian Elementary School Barangay Rosary Heights 11, Cotabato City ng bigla pinaputukan ng mga hindi kilalang suspek na sakay naman ng Isuzu Sportivo gamit ang kalibre .45 na pistola.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa Cotabato City.

Agad dinala ng mga nagrespondeng pulis ang mga biktima sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit patay na nang idating.

Patuloy ang imbestigasyon ng CCPO ang pamamaril sa mga biktima.