ni LEANDRO ALBOROTE
CAMP MACABULOS, Tarlac City- Nakuhang malambat kahapon ng mga police authorities ang 23-anyos na binata na sabit sa kasong rape at robbery na isinampa sa korte.
Batay sa report na isinumite sa tanggapan ni Police Lieutenant Colonel Ferdinand DG Aguilar ng 1st Provincial Mobile Force Company, Camp Macabulos, Tarlac City, ang nakaharap sa kaso ay si Jarvie Villoga, Jr. ng Assumption Del Pilar, San Fernando, Pampanga.
Ang Warrant of Arrest ay inisyu ni Assisting Judge Edwin S. Bonifacio ng 3rd Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 65, Tarlac City na may Criminal Case Number 10397-2020 sa kasong rape na walang piyansa.
Sa unang robbery case ay may Criminal Case Number 9811-2019 na piyansang P72,000.00. Sa pangalawang robbery case na may Criminal Case Number 9664-2019 ay may piyansang P48,000.00; at ang pangatlong robbery case ay may Criminal Case Number 9663-2019 at piyansang P72,000.00.