ni Fer Taboy

Tiniyak kahapon ng Department of National Defense (DND) na kanilang iimbestigahan ang nangyaring paghabol ng Chinese missile boat sa sinakyang bangka ng mga mangingisdang Pinoy kasama ang isang crew ng ABS-CBN News sa West Philippine Sea.

Sinabi ni DND spokesman Arsenio Andolong, na ipinarating na nila sa Armed Forces of the Philippines ang nasabing report.

Anumang resulta ng imbestigasyon ay agad nilang idudulog ito sa mga nararapat na ahensiya.

National

Meralco, tapyas-singil sa kuryente ngayong Mayo

Maging ang AFP ay nag-alala rin sa pangyayari kung saan ayon kay AFP spokesman Maj. General Edgar Arevalo na hihingi sila ng kopya ng video ng pangyayari.

Nauna rito hinabol ng missile boat ng China ang bangka ng mga Pilipinong mangingisda habang naglalayag malapit sa isla ng Palawan, na maliwanag na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas.