ni Light A. Nolasco

CABANARUAN CITY— Naging matagumpay ang isinagawang  magkakahiwalay na police operations ng Nueva Ecija Provincial Police Office (NEPPO) sa pinaigting na pagtugis at paghahanap sa mga sangkot sa iba’t ibang uri ng krimen nitong Lunes, Abril 5.           

Sa ulat ni PCol. Jaime 0. Santos, acting police provincial  director sa tanggapan ng PRO-3 PNP Camp Olivas, Pampanga, isa- isang nadakip ang apat na top most wanted persons na sina Eduardo Santiago, top 2 MWP sa Jaen, NE; sa paglabag sa seksyon 5 (B) ng RA 9262; Mark Reyvhan Bueno, top 2 MWP sa Guimba, NE; sa  paglabag sa RA 7610; Carlo Arcilla, top 4 MWP sa San Isidro, NE, sa robbery; at Roland Ramos, sa paglabag sa RA 7610.

Nasa kostudiya na ng kani-kanilang operating units ang mga naarestong mga akusado matapos matunton ng tracking team ang mga pinagtataguang lugar sa probinsya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Aniya, patuloy ang pagtugis at paghahanap sa mga akusado sa iba’t ibang krimen base sa programang inilatag nina PBGen. Valeriano De Leon at PNP Chief Director General Debold M. Sinas na ma-neutralized ang lahat ng forms of lawlessness sa may 27 munisipyo at limang lungsod sa Nueva  Ecija.

Resulta rin ito ng pinalawig na 'continuous pursuits ng NEPPO na nakatuon sa neutralization ng high value targets at MWPs ng mga tauhan PNP stations, 303rd Maneuver Force Battalion-3, CIDG Ptovincial Field Units ar 2nd PMFC ng pulisya.