June 05, 2026

Home BALITA Politics

‘Journalism’s loyalty is to the people!' NUJP, kinondena tirada ni Sen. Marcoleta sa media

‘Journalism’s loyalty is to the people!' NUJP, kinondena tirada ni Sen. Marcoleta sa media
Photo courtesy: Mark Balmores (MB), Senate PRIB via MB

Pumalag ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa naging mainit na pahayag ni Sen. Rodante Marcoleta kamakailan na nag-ugnay sa ilang miyembro ng Senate media bilang mga bayaran. 

MAKI-BALITA: ‘Frustrated lang?’ Sen. Marcoleta, nag-sorry matapos sabihing ‘bayaran ang Senate media!’

Sa inilabas na pahayag ng NUJP noong Biyernes, Hunyo 4, binanggit nilang ang naging tirada ni Marcoleta sa ilang miyembro ng media sa kasagsagan ng blue ribbon committee hearing ay tangkang pagpapahina ng tiwala ng publiko sa media sa kasagsagan ng girian sa senado. 

Bilang pakikiisa sa mga mamamahayag na nakaatas sa mga kaganapang ito, binanggit pa ng NUJP na parte ng kanilang trabaho na magbitiw ng mga tanong sa mga dapat managot. 

“Marcoleta’s tirades are clear attempts to undermine the public’s trust in the media amid the coverage of intensifying rift between two political camps. Journalists ferret out the truth and convey it to the public. This includes asking questions to whoever needs to be held accountable. Our colleagues in the Senate have been doing exactly what they ought to do,” saad ng NUJP. 

Politics

'Hindi hearing 'yon kundi gathering!' Sen. Win, bumuwelta sa BRC ng Cayetano faction!

Anila pa, ang pagpapalabas na ang media ay may kinikilingan ay paraan upang malingat ang atensyon ng publiko mula sa mga isyu na dapat napagtutuonan ng pansin. 

“Portraying the media as partisan only means to distract the public from real issues that should be put into light,” saad ng NUJP. 

Sa pagtatapos ng pahayag, nanindigan ang NUJP na anumang alegasyon ng korapsyon sa anumang politikal na kampo ay mahalagang maimbestigahan ng buo at ang katapatan ng mga mamamahayag ay sa publiko at hindi sa anumang partisadong grupo. 

“Allegations of corruption hurled against either side must be investigated fully. Journalism’s loyalty is to the people, not to any partisan group with vested interests,” paninindigan ng NUJP.

Sa kabilang banda, pumalag din ang Senate media sa naging akusasyon ni Marcoleta at sinabing walang basehan ang pag-atakeng ito sa mga mamamahayag. 

MAKI-BALITA: ‘The media is not a weapon!' Senate media, pinalagan akusasyon ni Sen. Marcoleta!