June 04, 2026

Home BALITA

‘Frustrated lang?’ Sen. Marcoleta, nag-sorry matapos sabihing ‘bayaran ang Senate media!’

‘Frustrated lang?’ Sen. Marcoleta, nag-sorry matapos sabihing ‘bayaran ang Senate media!’
Photo courtesy: via MB

Humingi ng paumanhin si Sen.Rodante Marcoleta sa mga miyembro ng Senate media matapos ang kaniyang kontrobersyal na pahayag na nag-ugnay sa ilang Senate media bilang mga bayaran.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Marcoleta na hindi niya intensiyong saktan o maliitin ang buong hanay ng media at inamin niyang bunga ng kaniyang pagkadismaya ang naging pahayag.

"Pasensiya na po kung ako ay nakapagsalita nang ganun. I did not mean it," ani Marcoleta.

Ipinaliwanag ng senador na ang kaniyang naging pahayag ay nag-ugat sa kaniyang pagkabahala sa mga pangyayaring kanyang nasasaksihan at sa kaniyang hangaring mailabas ang katotohanan.

"Ito ay dahil sa frustration ko sa nangyari at sa nangyayari po na nakikita ko. Ang gusto ko po makatulong kayong lahat para [sa] katotohanan," dagdag niya.

CIDG, nilinaw na walang nagkasyang 'size' na detainee shirt kay Sen. Jinggoy

Nauna nang naglabas ng matinding pahayag ang Senate media bilang tugon sa sinabi ni Marcoleta sa isang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. Kinondena ng grupo ang umano'y walang batayang akusasyon laban sa mainstream media at iginiit na ang pamamahayag ay hindi dapat gawing kasangkapan sa mga tunggaliang pampulitika.

"Journalists should never be dragged into the rivalries, feuds, or power struggles of political figures. The media is not a weapon to be wielded by one camp against another, nor should it be treated as collateral damage in political warfare," ayon sa Senate media. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘The media is not a weapon!' Senate media, pinalagan akusasyon ni Sen. Marcoleta!

Sa kanilang pahayag, sinabi ng Senate media na ang mga mamamahayag ay may tungkuling maghatid ng tumpak na impormasyon, magsuri ng mga katotohanan at managot ang mga nasa kapangyarihan sa pamamagitan ng patas na pagbabalita.

Bagama't humingi na ng paumanhin si Marcoleta, hindi pa naglalabas ng panibagong opisyal na pahayag ang Senate media kaugnay ng naging paglilinaw at paghingi niya ng tawad.

Nag-ugat ang usapin matapos batikusin ng Senate media ang naging pahayag ng senador na umano'y naglalagay sa panganib sa kredibilidad at kaligtasan ng mga mamamahayag sa gitna ng lumalalang disinformation at matinding hidwaang pampulitika sa bansa.