Pinaghahahanap na ng mga awtoridad ang lalaking nahuli sa CCTV sa isang male dormitory sa Cebu na gumagawa umano ng kalaswaan at nagnanakaw din ng ilang personal na gamit mula sa mga tenant.
Ayon sa mga ulat, ilang beses na raw nagpapabalik-balik ang suspek sa naturang dormitory upang makapamboso sa magkakaibang unit.
May ilang tenant na rin umanong sumita sa kaniya dahil sa kahina-hinala niyang pag-iikot sa lugar, subalit iginiit niyang may kakilala raw siya sa loob.
Nahagip din sa CCTV ang pamboboso ng suspek kung saan naaktuhan siyang nakababa ang pantalon sa loob ng isang unit.
Sa hiwalay na kuha rin ng CCTV, nakitang may ilang bitbit din ang suspek habang lumalabas sa naturang dormitory.
Hinala ng ilang tenants, ang lalaking naispatan sa CCTV ang siyang kumukuha raw ng ilan sa kanilang mga personal na gamit, partikular na ang kanilang mga underwear.
Isinailalim na sa underservailance ang paligid ng dormitory habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek.