June 05, 2026

Home BALITA National

Ester, lalabas din agad ng PAR; wind signal no. 1, nakataas sa Batanes

Ester, lalabas din agad ng PAR; wind signal no. 1, nakataas sa Batanes
PAGASA

Bagama't pumasok nitong Biyernes ng madaling araw, inaasahan lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical depression "Ester" sa Sabado ng madaling araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang bagyong Ester ang unang bagyo ngayong Hunyo, ikalima naman ngayong 2026.

Naunang ibinahagi ng PAGASA na pumasok ng PAR ang bagyo bandang 3:00 AM nitong Biyernes, Hunyo 5.

As of 11:00 AM, huling namataan ang bagyo sa layong 230 kilometers North Northwest ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at 55 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-Northwestward sa bilis na 15 kilometers per hour.

National

Sen. Erwin kay Atty. Levi: 'Dalhin mo sa Ombudsman, siguraduhin mo lang na may ebidensya ka!'

Sa ulat ng weather bureau ang epekto ng bagyo ay nararanasan sa extreme Northern Luzon partikulat sa Batanes at bansang Taiwan. 

Ang kalat-kalat at paminsang-minsang pag-ulan sa Luzon ay hindi dahil sa bagyo kundi dahil Southwest monsoon o hanging habagat. 

Ang weather track ng PAGASA, tatahakin ng bagyo sa loob ng 24 na oras ang mabundok na kalupaan ng Taiwan hanggang sa makalabas ito ng PAR sa Sabado ng madaling araw. 

Nakataas naman ang tropical. cyclone wind signal no. 1 sa Batanes.