ni Liezle Basa Inigo
ROSALES, Pangasinan— Dinakip ng pulisya at mga tauhan ng Pangasinan PDEA ang isang barangay SK chairman at kasama nito sa isang buy-bust sa Bgy. Carmen East, kamakalawa.
Dakong 10:00 ng gabi nitong Martes, nagsagawa ng drug buy-bust operation ang mga tauhan ng PNP at PDEA na nagresulta sa pagkaaresto nina Prince Cyrus Concepcion, 21,SK chairman ng naturang barangay, na itinuturing nahigh-value target ng Rosales Police at Karen Valdez, 24, kapwa residente ng naturang barangay.
Nasamsam sa mga suspek ang tatlong heat sealed plastic sachet ng pinatuyong marijuana (object of sale),isang ziplock na naglalaman ng pinatuyong marijuana ( object of sale), 8 pang heat sealed plastic sachet ng pinatuyong marijuana na tumitimbang ng 20 grams at isangmotorized tricyle Honda TMX 125 Red na may temporary plate na 0-10-0753607 at Body Nr 774.
Nabatid sa ulat na ilang araw ring minatyagan ang mga suspek bago naisagawa ang buy-bust.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at mga nakuhang ebidensiya.