ni Ali Vicoy

Sa unang araw ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at apat na kalapit na lalawigan noong Lunes, sinimulan na ng Taguig City government ang pamamahagi ng food packs sa bawat pamilyang Taguigeño.

Ipinamamahagi ng Taguig City employees ang food packs sa mga residente ng  Barangay Tuktukan kahapon.

National

Kampo ni FPRRD, pinapa-disqualify 2 judge ng ICC

ALI VICOY

Ang mga miyembro ng Barangay Affairs Office at ang Mayor’s Action Team ay nagbahay-bahay upang ipamahagi ito sa lahat ng 28 mga barangay ng lungsod noong Lunes ng hapon.

Kahit bukas pa rin ang mga tindahan ng pagkain, grocery, restaurant para sa take-out at delivery services, siniguro ni Mayor Lino Cayetano na may darating na stay-at-home family food packs sa mga pamilyang Taguigeño upang hindi na sila lumabas pa ng bahay at ma-expose sa banta ng COVID-19.

“Ngayong buong linggo ay kailangan nating maging ligtas. Dito po muna tayo sa piling ng mga mahal natin sa buhay, sa ating mga household, sa mga pamilya natin,” wika ni Mayor Lino Cayetano sa mga Taguigeño isang araw bago ang pagpapatupad ng ECQ.

Siniguro rin ni Mayor Lino sa mga residente na ang lokal na pamahalaan ng lungsod Taguig ay patuloy na magbibigay kalinga sa mga tao. “Sa aking mga kababayan, dito sa lungsod ng Taguig, patuloy po ang pangangalaga namin sa inyo. Bayanihan po tayo. Ang lungsod natin ay kilala sa pagkalinga at pag-aaruga ng isa’t isa.”

“The City Government will always be here for those who need it the most,” dagdag ni Mayor Lino.

Ang stay-at-home food packs Taguig City ay kasya para satatlo o apat na araw sa isang pamilya na may limang miyembro. Naglalaman ito ng bigas, de lata, kape, energy drink at hygiene/anti-COVID kit nq may face masks, face shields, alcohol at sabon.

“Itong one week na ito ay makakatulong sa atin para lalong mapababa ang ating mga kaso sa lungsod. The City of Taguig remains to have one of the lowest number of active cases in Metro Manila. At naniniwala ako, pag tayo’y nagtulungan, kaya rin natin babaan pa lalo,” diin ni Mayor Lino Cayetano, idinagdag na isa ito samahalagang aspeto ng #RoadToZero campaign ng lungsod.