ni Nitz Miralles

NAKABIBILIB si Kevin Santos dahil hindi tumigil mag-aral hanggang hindi nakaka-graduate ng college. Kaya bukod sa pagiging licensed commercial pilot, grumaduate rin ang Kapuso actor sa kursong Bachelor of Arts in Political Science sa Arellano University.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Ang mas maganda pa, hindi lang siya basta nag-graduate dahil Cum Laude pa siya. Imaging kung wala siya sa showbiz, siguradong mas mataas pa sa Cum Laude ang nakuha niya.

Pinost ni Kevin sa kanyangInstagramaccount ang medal na nakasulat ang kanyang pangalan at kurso kung saan siya nag-graduate. Ang caption ng Kapuso actor sa post niya ay “Finally nasa kamay na kita.”

Ang daming nag-congratulate kay Kevin, mga kaibigan niya sa showbis na very proud din sa kanya. Pinatunayan ni Kevin na maganda ang bunga ng sipag, tiyaga at determinasyon.