Ni ROBERT REQUINTINA

WAGI si Miss Philippines Samantha Bernardo bilang 1st runner-up sa katatapos lamang na Miss Grand International 2020 competition na idinaos sa Bangkok, Thailand nitong Sabado, Marso 27.

Marian Rivera muling kinabog TikTok makeup transformation; may hamon sa followers

Si Miss United States of America Evelyn Abena Appiah ang kinoronahang Miss Grand International 2020.

Si Appiah ay isang music therapist na nagtatrabaho para sa mga bata na may special needs. Noong 2019, una nang nag-compete ang Ghanaian-American model sa Miss Earth beauty pageant sa Manila kung saan siya kinatawan ng Ghana.

Ang iba pang nagwagi sa Miss Grand International 2020 pageant ay sina:

Guatemala, 2nd runner-up

Indonesia, 3rd runner-up

Brazil, 4th runner-up

Habang Best in Evening Gown naman si Miss Mexico.

Nakapasok naman sa top 20 ang mga kandidata ng: Cambodia (Country’s Choice of the year), Mexico, Thailand, Peru, Japan, El Salvador, Panama, Vietnam, Dominican Republic, Czech Republic, Puerto Rico, Myanmar, Argentina, England at Kenya.