Ni NITZ MIRALLES

 NAGKAROON ng reunion ang mag-best friends na sina Bela Padilla, Kim Chiu at Angelica Panganiban at pinost ni Kim ang larawan nilang tatlo at nilagyan ng caption na “Different..., but Same Same!!! #AngBeki.”

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

“True friends are never apart. Maybe in distance but not in my heart.” Namiss ko tong dalawang to! love you both momsies!!!”

Nag-post din si Angelica ng old photos nilang tatlo at may caption na “AngBeki lang sakalam,” at nagkaintindihan na ang magkakaibigan. Sabi ni Angelica, nagka-abs na naman siya sa kakatawa sa wala sigurong katapusang kuwentuhan.

Ang maganda sa magkakaibigan, pare-parehong masaya ang kani-kanyang love life. Si Kim may Xian Lim, si Angelica may Gregg Homan at si Bela may Norman Ben Bay. Ang hintayin na lang ng kanilang fans ay kung sino sa tatlo ang mauunang ikasal.