Ni DANTE A. LAGANA

 MUKHANG bida sa mga umpukan at usapan sa apat na sulok ng showbiz ang komedyante at tinaguriang Dental Diva na si Kakai Bautista, hinggil ito sa issue ng kampo ng Thai Superstar na si Mario Maurer na itigil na raw ang muling paggamit ni Kakai sa pangalan ni Mario.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Ayon sa ulat ng Saksi ng GMA-7 nagpadala na raw ng demand letter ang side ng Thai actor laban sa komedyante. Dagdag pa sa balita, ayon sa ahensiya ni Mario ipinagkaila nito na never daw naging magka-close ang dalawa. Giit pa nila kapag hindi raw tumigil si Kakai sa pagbanggit sa pangalan ni Mario ng wala silang alam o pahintulot mapipilitan daw silang maghain ng reklamo dahil nalalagay daw sa alanganin ang reputasyon at imahe ng aktor.

Hindi pa rin pala mamatay-matay ang issue sa dalawa. Matatandaang nagkasama sila sa movie noong 2012 sa Suddenly It’s Magic na pinagbibidahan nila Erich Gonzales at Mario. Walong taon na ang nakalilipas pero heto’t nabubuhay uli dahil sa reklamo ng kampo ni Mario. Humanga kasi noon si Mario sa ganda ng boses ni Kakai at nabaitan naman ang komedyante sa Thai actor, sabi nga ni Kakai authentic daw ito. Hayagan namang sinabi noon ni Kakai na wala naman daw silang relasyon ni Mario. Nagustuhan lang daw niya ito dahil sa pagiging realness ng aktor. Kailan kaya titigilan si Kakai sa ganitong klaseng issue? Minsan ding pinag-usapan ang pagkaka-link niya noon sa aktor na si Ahron Villena pero natapos na ang issue sa kanila na kalaunan ay naging ok na sila.

Malamang wait and see ang mga tao sa magiging reaksyon o statement ni Kakai at ng management niya sa pinakawalang reklamo ng kampo ni Mario. Ano naman kaya ang personal na masasabi ni Mario? Hmm let’s see kung magsasalita ang aktor.

Samantala, sa recent post ni Kakai sa kanyang Instagram na tila ineenjoy niya ang beach resort mukhang mayroon siyang pasaring sa caption ng kanyang larawan. Sey niya, “Hoooh hirap pag sobrang gandaaaa. ISMAYL na lang si Tyang sa mga taong ayaw tumigil.” Todo support naman ang nakuha ni Kakai sa kanyang mga followers tungkol sa issue. Lodi na raw nila si Kakai.