May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kakai, nagbayad ng tax: 'Alis na tayo sa Pinas, para mabawasan na huhuthutan ng gobyerno natin!'

Kakai, nagbayad ng tax: 'Alis na tayo sa Pinas, para mabawasan na huhuthutan ng gobyerno natin!'
Photo courtesy: Kakai Bautista (FB)

Nagbahagi ng matapang na pahayag sa social media ang komedyante at singer na Kakai Bautista matapos niyang sabihing katatapos lamang niyang magbayad ng buwis.

Sa kaniyang Facebook post, iginiit ni Bautista na hindi siya kailanman pumalya sa pagbabayad ng tax. Ayon sa kaniya, “Kakabayad ko lang ng tax. NEVER AKONG NAG-MISS.”

Ibinahagi rin ng komedyante ang kaniyang pagkadismaya para sa mga mamamayang nagsisikap at lumalaban nang patas ngunit tila walang natatanggap na benepisyo mula sa pamahalaan kahit may trabaho ang mga ito.

Dagdag pa niya, “Kamusta ang mga lumalaban dyan ng patas tapos walang natatanggap dahil may trabaho?”

Hindi rin napigilan ni Bautista ang maglabas ng emosyon hinggil sa nararamdamang bigat ng sitwasyon sa bansa. Aniya, “Ilang balde po na nailuha natin today?"

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"Alis na tayo sa Pinas. Para mabawasan na ang huhuthutan ng gobyerno natin.”

Photo courtesy: Kakai Bautista (FB)

Umani naman ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens ang naturang post. May ilang sumang-ayon sa kaniyang hinaing ukol sa pagbubuwis at serbisyo ng gobyerno, habang may ilan ding nagsabing mahalagang manatiling responsable sa pagbabayad ng buwis bilang tungkulin ng bawat mamamayan.

"Hirap buhatin nung mga tamad, batugan, at asa sa ayuda 'no?"

"Tiis lang, kapit lang ganoon talaga ang life hindi patas, laban lang."

"Grabe bayad nang bayad tapos nanakawin lang ng gobyernong ito nasaan ang hustisya."

"Yan ang masakit na part sa sting mga taxpayers... tapos napupunta lang sa mga gahaman ang perang pinagpaguran natin."