Ni NITZ MIRALLES

SOBRANG saya tiyak ni Aljur Abrenica dahil sa pagse-celebrate niya ng kanyang 31st birthday, kumpleto ang kanyang pamilya na ang ibig sabihin, kapiling niya ang asawang si Kylie Padilla at mga anak na sina Alas at Axl.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Sa video na kanyang pinost sa Instagram, Aljur was seen blowing out the candles from his birthday cake. Pinasalamatan nito ang kanyang pamilya at mga kaibigan na sabi, nanatili sa tabi niya kahit sa panahong dumaan siya sa trial.

“Unang una salamat sa Panginoon sa tuloy-tuloy na biyayang pinagkaloob niya sa 31 years ng eksistensiya ko. Pamilya na laging nandyan upang alalayan ako. Salamat sa mga Kaibigan na nagtitiwala at nanatiling totoo sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. Thank you for giving me a family who is always there to guide me. Thank you for all the friends who stayed true despite some life’s trials,” pahayag ni Aljur.

Dagdag pa ni Aljur, “Salamat sa aking Asawa at mga Anak na nandyan upang mas pagbutihin ko pa ang aking sarili... Wala na akong mahihiling pa sa kung ano man meron ako. (Thank you for my wife and kids who are there to make me become a better person... I could not ask for anything more).”