Ni NORA V. CALDERON

NATUWA ang mga fans nina Carla Abellana at Tom Rodriguez nang finally ay inamin na nilang matagal na silang engaged, noon pang October 2020, at ginawa nila ang engagement party last Saturday, March 20. Ang dream engagement ni Tom kay Carla ay ginanap sa isang napakagandang garden-inspired venue na pinaghandaan talaga ni Tom.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Ang isa pang endearing na ginawa ni Tom para kay Carla, pinag-aralan niya kung paano gumawa ng engagement ring at iyon ang ipinasuot niya kay Carla. Makikita naman sa photo posted sa Instagram ni Carla na napakaganda ng engagement ring.

Pero kailan naman magaganap ang wedding? Kay Tom, anytime, pero sa Carla ayaw niya ngayon.

“Although gusto namin talaga this year na ang classic-style wedding,” sabi ni Tom sa interview sa kanila ni Carla sa Chika Minute ng 24 Oras last Monday, March 22.

“Kaya matutuloy lamang iyon kung mawawala na ang COVID-19 pandemic na pinagdaraanan natin ngayon.”