Ni NORA V. CALDERON
BAKAS ang emosyon ni International Stage Performer and Soul Diva na si Aicelle Santos sa recent Instagram post niya tungkol sa kanyang lola, 93 years old, na nasa probinsiya nila. Three years ago, habang nasa London si Aicelle, doing Miss Saigon, pumanaw naman ang kanyang lolo.
“Miss ko na si Lola, huli ko pa kasi siyang nakita Christmas of 2019,” malungkot na wika ni Aicelle. “Pangarap kong mayakap siya, gayon din ang aking mga magulang at kapatid. Pero kailangang tiisin ang pangungulila upang maprotektahan lamang sila. Hay...COVID. Ingat tayong lahat. Kasama ninyo akong nagdarasal.”
Nanawagan din si Aicelle sa mga fans na ipagdasal ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa na patuloy na nakikipaglaban sa banta ng pandemya.
Nalilibang kahit papaano si Aicelle sa pag-aalaga sa baby girl nilang si Zandrine ng husband niyang si Marc Zambrano at sa pagiging isa sa mga judges ng singing competition for kids na Centerstage and mainstay performer sa weekend variety program na All-Out Sundays.