ni Danny Estacio

STA. ROSA CITY, Laguna – Dalawa ang naiulat na namatay nang salpukin ng isang truck ang kanilang sinasakyang kotse sa national highway ng Bgy. Macabling sa naturang lungsod, nitong Sabado ng madaling araw.

Ang mga binawian ng buhay ay kinilala ng Sta. Rosa City PNP na sina Joshua James Zamora,24, taga-Block 2, Lot 7, 8, 9, Anahaw Homes Subd., Bgy. Dita at Alyza Mae Salud.

Under custody n ang pulisya ang truck driver na si Cornelio Huerno, 30, taga-San Antonio Poblacion, Pili, Camarines Sur.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Ang trak na minamaneho ni Huerno ay may plakang EVF – 499.

Sa ulat ng Santa Rosa City PNP, ang aksidente ay naganap sa national highway ng nasabing lugar, dakong 1:25 ng madaling-araw.

Ang dalawa ay sakay ng Hyundai Accent (DAJ-2893) at tin ang Biñan Road nang salpukin ng kasalubong na truck (EVF-499) na minamaneho ni Huerno.

Paliwanag ng pulisya, nag-overtake umano ang kotse sa isang tricycle at hindi napansin ang kasalubong na truck.