ni Mario Casayuran
Pinakamainam umano ang Russian-made vaccine na Sputnik V para sa mga senior citizen.
Ito ay ayon kay San Jose Del Monte City, Bulacan Rep. Florida Robes at sinabing nagmula mismo ang pahayag sa isang opisyal ng Russian Embassy sa katauhan ni Minister- Counsellor and Deputy Head of Mission Vladlen Epifanov.
Isiniwalat aniya ng opisyal ang usapin sa isinagawang House committee meeting kamakailan kung saan kinumpirma ng British medical journal na Lancet ang pagkakaroon ng high efficacy rate ng Sputnik V para sa mga 60 taong gulang at pataas.
Nauna nang ipinayo ng Food and Drug Administration (FDA) na ang naturang bakuna ay para lamang sa mga indibidwal na may edad 18 at pataas.
“Counsellor Epifanov told our committee that the Lancet has confirmed the efficacy rate of Sputnik V to 91.6 percent and for volunteers who are older, who are 60 years old and up, the efficacy goes up to 91.8 percent,’’ ayon sa kongresista.
“This shows that Sputnik V is the best for senior citizens,” dagdag pa nito.