ni Nitz Miralles
May special participation si Richard Yap sa first installment ng I Can See You na On My Way To You. Parang tatay ni Ruru Madrid ang role niya at two days siyang nag-taping.
First time makatrabaho ni Richard ang cast ng On My Way To You at si direk Mark Reyes a t ma y comment siya.
“It is my first time to work with everybody. Nang dumating ako sa set, I never felt uncomfortable. Walang nagpa-feel sa akin na bago lang ako sa Kapuso Network. Everyone is welcoming, ang bilis naming nag-bonding. Ang ganda agad ng rapport and it’s nice to be working in a environment na pantay-pantay ang feeling n’yo,” pahayag ni Richard.
In fairness kay Richad, consistent ang mga sagot niya tuwing natatanong ng experience niya kapag may natatapos na guesting. Lahat ng kanyang nakakatrabaho ay mabait sa kanya at walang nagpaparamdam na bago lang siya sa network.
Nagpahayag din si Richard nang kagustuhan niya sa lock-in taping at ang katuwiran, “Tuluy-tuloy ang trabaho, hindi ka maaalis sa character mo dahil hindi napuputol ang trabaho. Mas mabilis din ang trabaho, mas cohesive and for me, positive ang bigay, kay I will go for lock-in taping.”
Samantala, sa Monday na (March 22), ang premiere ng Season 2 ng I Can See You at ang episode na On My Way To You. Tungkol ito sa runaway bride at ipapakita ang mga rason kung bakit may mga runaway brides at pati na rin groom.