July 23, 2026

Home FEATURES Trending

ALAMIN: Ilang detalye sa likod ng kauna-unahang school shootout sa Tacloban City

ALAMIN: Ilang detalye sa likod ng kauna-unahang school shootout sa Tacloban City
Photo courtesy: Contributed photo

Ginimbal ng dalawang menor de edad ang Tacloban City, Leyte matapos silang mamaril sa loob ng isang pampublikong paaralan nitong umaga ng Lunes, Hunyo 22, 2026.

Ayon sa press briefing ng pulisa nito ring Lunes, ito ang kauna-unahang school shootout na naitala sa nasabing lugar kung saan isa umanong 14 at 15-anyos ang mga suspek na armadong pumasok sa eskwelahan.

Ang oras ng krimen

Ayon sa Police Station 1, bandang 9:00 ng umaga nang nakatanggap sila ng report sa nangyayaring pamamaril sa naturang eskwelahan. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad sa lugar upang magsagawa ng imbestigasyon at magbigay ng kaukulang aksyon. Sinasabing sa loob umano ng classroom nagsimula ang pamamaril ng mga salarin.

Lugar ng krimen

Trending

‘Wag n'yo akong patayin!' Pakiusap ng isang rider, kinaantigan

Naganap ang krimen sa San Jose National High School—isa sa mga pinakamalaking paaralang pansekundarya sa Tacloban City kung saan mayroon itong mahigit 1,600 na mga mag-aaral at tinatayang 110 guro.

Bilang ng mga apektado

Batay sa paunang ulat, tatlong katao ang kumpirmadong nasawi. Dalawa ang dead on the spot habang isa naman ang namatay kalaunan. Limang katao rin ang naunang iniulat na nasaktan mula sa pamamaril subalit batay sa pinakahuling ulat ng pulisya nitong hapon ng Lunes, umakyat na sa pitong katao ang sugatan.

Dalawang armadong suspek

Isang 15-anyos ang unang kinilala ng mga awtoridad matapos siyang matagumpay na naaresto sa eskwelahan. May ilang ulat ding nagdidiin sa kaniya na anak umano siya ng sundalo.

Samantala, matapos subukang magtago, ilang oras lamang ang binilang nang tuluyan ding naaresto ng mga awtoridad ang umano’y 14 taong gulang na suspek.

Mga baril na ginamit ng suspek

Ayon sa mga awtoridad, kapwa rehistrado ang mga armas na ginamit ng dalawang suspek sa kanilang pamamaril sa loob ng eskwelahan. 

Isang 9mm pistol ang ginamit ng 14-anyos na suspek na napag-alamang pagmamay-ari ng tiyahin niyang pulis. Habang rehistrado naman sa isang security agency ang 38 glock na baril na ginamit ng 15 taong gulang na gun man.

Motibo ng krimen

Habang isinusulat ang artikulong ito, isa sa mga lumulutang na anggulo ng motibo ng pamamaril ng mga suspek ay dahil sa bullying. 

Ito ay isang developing story.