July 25, 2026

Home BALITA Politics

‘Sharmaine Bill,’ isinulong sa Kamara para sa mga trans at intersex

‘Sharmaine Bill,’ isinulong sa Kamara para sa mga trans at intersex
Photo courtesy: BAET (TikTok screenshot), Akbayan Rep. Perci Cendaña (FB), Unsplash

Isinulong na sa Kamara nitong Martes, Hunyo 23, ang House Bill 9929 o kinikilala rin bilang “Sharmaine Bill” para sa mga miyembrong trans at intersex ng LGBTQIA+ community. 

Batay sa pahayag ni Akbayan Rep. Perci Cendaña, layon ng Sharmaine Bill o “Lived Identities and Recognition Act” na kilalanin ang mga pinangangatawanang identidad ng mga Pinoy na transgender, intersex, at non-binary sa pamamagitan ng simple at accessible na proseso administratibo. 

Dahil sa ilalim ng Sharmaine Bill, mabibigyang pagkakataon na ang mga trans at intersex na mga Pinoy na baguhin ang kanilang pangalan at gender marker sa kanilang mga legal na dokumento, nang hindi humaharap sa mahaba at magastos na pagharap at paglilitis sa korte. 

"This is why we filed the Sharmaine Bill. Kung gets natin agad na Sharmaine ang gustong pangalan ng isang orange sa Tiktok, kayang-kaya rin natin i-extend ang ganitong pag-unawa sa mga trans at intersex nating kapatid. Deserve nilang kilalanin ng batas sa pangalang nakasanayan nila at sa kung sino talaga sila," ani Cendaña.

Bukod pa sa mga trans at intersex, ang panukalang ito ay extended din sa survivors ng gender-based violence at child abuse na nais palitan ang kanilang pangalan para sa kanilang kaligtasan. 

Politics

'This is a grave accusation!' Romualdez, pumalag sa umano'y plano niyang paglabas ng bansa

Matatandaan na bilang pagdiriwang ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo, isa pa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga kumilala sa LGBTQIA+ community. 

“The LGBTQIA+ Community has long helped shape our country's progress through its talent, service, and leadership. To overlook these contributions is to deny an essential part of the Filipino story,” ani PBBM. 

Kaya saad niya pa, walang sinumang Pinoy ang dapat dumaan sa pagtatago ng kanilang pagkakakilanlan upang matanggap at intindihin, ito’y dahil ang tunay na progreso ng bansa ay nasusukat sa kakayahan ng mga Pinoy na makapamuhay ng ligtas at may sinusundang direksyon sa buhay. 

“No one should ever be forced to conceal who they are in order to earn acceptance and understanding. For a true measure of a just and progressive nation lies in how fully it allows every person to live with security, purpose, and belonging,” dagdag pa ni PBBM. 

MAKI-BALITA: PBBM, kinilala ambag ng LGBTQIA+ sa bansa

Matatandaan din na naging matunog ang pangalang “Sharmaine” sa netizens matapos mag-viral ang skit ng content creator na si “BAET” tungkol sa orange fruit na nagrereklamo sa sarili niyang pangalan. 

MAKI-BALITA: Bakit ‘Sharmaine’ ang itinatawag ng netizens sa prutas na orange ngayon?

Dahil din dito, nagbukas na mainit na talakayan ang proseso ng pagpapanotaryo sa bansa. 

Isa sa mga nagbigay ng libreng legal advice kay “Sharmaine” ay si Akbayan Partylist Representative Atty. Chel Diokno. 

MAKI-BALITA: Rep. Chel Diokno, may legal advice para kay 'Sharmaine'

KAUGNAY NA BALITA: Para kay Sharmaine: Ano ang notaryo at bakit kailangan nito?