ni Martin Sadongdong

Posibleng masibak ang isang pulis-Davao City matapos magpositibo sa paggamit ng iligal na droga.

Ang nasabing pulis ay kinilala ni Philippine National Police-Officer in Charge (PNP-OIC) Lt. Gen. Guillermo Eleazar na si Corporal Donree Gall Adug, nakatalaga sa Regional Police Security and Protection Unit sa Davao Region (RPSPU-11).

Kabilang si Adug sa 40 pulis na isinalang sa random drug test sa Camp Leonor sa San Pedro Street, Davao City nitong Lunes bilang bahagi ng paglilinis ng PNP sa kanilang hanay

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'