ni Fer Taboy

Napatay ang apat na teroristang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) nang bombahin ng tropa ng militar ang kanilang pinagtataguan sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao, kahapon.

Sinabi ni 6th Infantry Division at Joint Task Force Central chief Major General Juvymax Uy, nakatanggap sila ng impormasyon na namataan sa nasabing lugar ang grupo ng mga terorista.

Ayon sa militar, plano ng mga terorista na salakayin ang Joint Peace and Security Team (JPST) outpost ng militar, Philippine National Police (PNP) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Bgy. Kitango sa Datu Saudi Ampatuan.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Sinabi pa sa ulat ni 1st Mechanized Brigade Commander Col.

Pedro Balisi, agad silang nagresponde at nakasagupa ang tinatayang 30 miyembro ng BIFF.

Sa gitna ng sagupaan, napilitang lumikas ang mga sibilyan patungo sa ligtas na lugar.

Kinumpirma naman ng mga residenteng lumikas, apat sa mga terorista ang binawian ng buhay matapos ang pambobomba.