Ni NITZ MIRALLES

Nakakatuwa marinig ang malakas na sigaw ni Jackie Forster sa video na pinost nito sa pagkakapili sa panganay na si Andre Paras sa PBAdraft. Maglalaro si Andre sa koponan ng Blackwater at si Coach Nash Racela ang nag-announce.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

“So sooo happy for you and proud! Time to put in more work kuya,” post ni Jackie sa Instagram.

Makikita rin sa video ang pagsusuot ni Andre ng Blackwater cap na lalong ikinatuwa ni Jackie at ‘yung sigaw, may kasama ng palakpak.

Nagho-host si Andre ng game show sa GTV, ang Games of the Gens kasama si Sef Cadayona at may mga guesting siya gaya sa First Yaya.

Sabi ni Andre ay tuloy ang showbiz career niya, hindi niya ito iiwan, alam daw niya how to juggle his time between basketball and showbiz.

Nitz Miralles