July 25, 2026

Home BALITA

Atty. Poa, pinaliwanag matipid na sagot ni VP Sara sa mga puna

Atty. Poa, pinaliwanag matipid na sagot ni VP Sara sa mga puna
Photo Courtesy: via MB

Nagbigay ng reaksiyon ang legal counsel ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Michael Poa kaugnay sa matitipid na tugon ng kliyente niya sa mga akusasyong ibinabato laban dito.

Sa isang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast” kamakailan, nabigyan ng pagkakataon si Poa para ipaliwanag ang panig ni Duterte. Kabilang sa mga naitanong sa legal counsel ng Bise Presidente ay ang naging pagharap ng kaniyang kliyente sa Senado noong Hulyo 7 at ang one-liner nitong pahayag. 

"In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed," ani Duterte sabay alis.

 "She could have used the opportunity to explain her position. Pero ano ba 'yon? How do you explain that?" tanong ni Soho.

"Becasue there's always a proper time and a proper place to answer these allegations," sagot ni Poa. "So bakit mo papatulan 'yong mga gano'ng criticism? Hindi naman lahat ng nagsabi na nagnakaw ka papatulan mo na agad hindi ba? Lalo na kung walang ebidensya."

Metro

Bangkay ng babaeng nakasilid sa maleta, natagpuan sa Taguig!

"Ngayon, pagdating naman sa....COA issues, sinagot 'yan sa COA, where it's proper to do so," dugtong pa niya. 

Giit ng legal cousel ni Duterte, hindi umano nila hahayaang litisin ang kaso sa korte ng pampublikong opinyon.