ni Nitz Miralles

Pinasaya ni Gerald Sibayan ang asawang si Ai-Ai delas Alas sa 7th anniversary nila as husband and wife dahil ipinaayos nito ang kanilang bahay at ginawang Hello Kitty ang ayos ng buong bahay.

Tsika at Intriga

Dani Barretto, nang-inis pa lalo sa bashers dahil sa 'garlic tuyo'

Pinost ni Ai-Ai ang ilang parts ng bahay na kulay pink na at cute yung dining table na ‘yung running mat ay kulay pink din at may logo ng Hello Kitty. Hello Kitty House na ang tawag ni Ai-Ai sa kanilang bahay.

Post ni Ai-Ai: “Maraming salamat sa aking mahal na asawa sa kanyang advance gift sa aming ika 7th year anniversary bilang mag jows... salamat darl alam mo kung saan ako super magiging masaya... i love you thank you for making me happy...”

Samantala, isa si Ai-Ai sa nagpapatawa sa viewers sa Owe My Love ng GMA-7. Sa outfit pa lang ng kanyang karakter, matatawa ka na at lalo ka pang tatawa kapag nag-deliver na ng dialogue kasama ang kaeksena.