Ni NORA V. CALDERON
NANG muling mag-appear sa All-Out Sundays si The Clash 3 champion na si Jessica Villarubin last March 14, marami agad nakapuna na may nabago sa kanyang face.

Hindi naman nagkaila si Jessica, hindi niya itinago na kaya pansamantala siyang nawala sa AOS, ay dahil nagpa-enhance siya, na matagal na pala niyang wish. Matagal na raw gustong gawin ito ni Jessica, kasi noong bata pa raw siya, subject na siya ng pambu-bully ng mga kalaro niya, tinutukso siyang hindi maganda. At nang magsimula na siyang mag-audition sa mga singing contests dahil maganda naman talaga ang boses niya, feeling niya hadlang sa kanya ang looks niya para siya mapili.
Ngayon, mas may confidence na si Jessica sa sarili niya at thankful siya kay Christian Bautista, na isa sa mga judges ng The Clash 3, na iginawa siya ng first single niya which she recorded sa GMA Music, ang Ako Naman na siya rin niyang victory song nang manalo siya sa grand finals ng musical competition. Nagpasalamat din si Jessica sa mga fans niya na patuloy na sumusuporta sa kanya.
Mapapakinggan na ang “Ako Naman” sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang