ni Annie Abad

PORMAL nang isinumite ng Philippine Olympic Com­mittee (POC) sa Philippine Sports Commission (PSC) ang kabuuang listahan ng Team Philippines para sa 31st South­east Asian Games (SEAG) na gaganapin sa Vietnam sa Di­syembre.

Mismong si POC President at Cavite Rep. Abraham “Bam­bol” Tolentino ang siyang per­sonal na nagbigay ng listahan kay PSC Chairman William Ramirez nang magpulong nitong Biyernes sa Philsports Arena.

Ang Team Philippines ay bubuuin ng e 626 atleta na sasa­bak sa 39 sa 40 sports na nakal­inya sa nasabing biennial meet. Kabuuang 66 ang idinagdag ng POC sa naunang 560 atleta para sa pagsasagawa ng SEA Games na nakatakda sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

Ang naturang 66 athletes ayon kay Tolentino ay idi­nagdag kasunod ng pagpapala­wig sa naging talakayan ng 39 national sports associations.

“After a careful review— with the mindset of defending our overall title—we came up with these numbers,” ayon kay Tolentino.

Kabilang sa mga atletang sasabak sa nasabing kompeti­syon ay ang mga pambato ng Athletics na may 63 athletes kasama ang 38 men at 25 wom­en, ang basketball na mag 30 na may 15 men at women, ang cycling na may 39 atleta, ang gymnastics 25, ang taekwondo 24, ang volleyball 30, football 28 at ang wushu 21.

Ang Fencing ay kasama din na may 24 atleta, ang esports 18, aquatics 17, boxing 13, ca­noe-kayak 19, pencak silat 16, golf seven, handball 10, judo 17, jiu-jitsu six, kickboxing 12, karatedo 15, kurash 10, muay­thai 12, table tennis three, ten­nis eight, triathlon eight, beach volleyball six, weightlifting 14, wrestling 13, vovinam na may anim.