ni Nora V. Calderon

SI Joaquin Domagoso or JD ay panganay na anak ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, at ngayong nasa showbiz na siya, gusto niyang kumawala sa anino nito. Sabi nga, parang mahirap, pero hindi iyon nakapigil kay JD na ipagpatuloy ang pangarap niyang maging isang actor din na tulad ng ama noon, pero gusto niyang gumawa ng sariling pangalan sa showbiz.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

“Alam ko pong mahirap, maraming challenges na pwede kong pagdaanan, pero inihanda ko na ang sarili ko,” sabi ni JD sa virtual interview niya para sa upcoming romantic comedy series, ang First Yaya. “Pero ang father ko ay tatay ko, and I’m me, at kung hanggang saan ako makararating sa industry na ito, nasa akin na po iyon.”

Walang pumilit kay JD na pasukin ang showbiz, sarili niyang desisyon iyon. Pero bata pa siya, nakita na siyang isang natural na bibong bata at siya rin ang may gustong mag-artista.

“Hyperactive po ako noong bata pa ako, kaya alam kong magandang outlet sa tulad ko na pwede kong pasukin ito. At maganda naman na that time, kinukuha na ako ng GMA Network, bago pa nanalo ang daddy ko sa 2019 elections.

“Pero hindi pumayag agad si Daddy na mag-showbiz ako hanggang hindi ako nangako na magtatapos ako ng college, that I will not take school for granted, iyon daw ang pinakamahalaga, dahil hindi niya nagawang makatapos, at inuna niya ang magtrabaho para sa kanyang pamilya, at iyon nga, siya ang nag-provide ng schooling ko.”

Second year college na si JD ng Business Entrepreneurship sa Southville International School at ngayon ay pinagsasabay niya ang studies and showbiz.

Katambal ni JD sa “First Yaya” si Cassy Legaspi, at maganda ang kanilang chemistry. Wala na silang ilangan dahil nagkasama na sila sa Studio 7 at sa All-Out Sundays at nakita na sa kanila ngayon sa simula pa lamang ng “First Yaya” na may kilig silang dalawa sa mga eksena.

Sundan sina JD at Cassy simula ngayong Lunes, March 15, sa romantic-comedy series na “First Yaya” sa GMA telebabad.