Ni NITZ MIRALLES
HININTAY lang nina Gerald Anderson at Julia Barretto na aminin ni Gerald ang relasyon nila at nagpakita na ang dalawa sa publiko. Magkasama ang dalawa sa isang charity event na para raw sa mga sundalo. Twinning ang couple sa kulay dilaw nilang t-shirt na may nakasulat na “Coast Guard Auxiliary.”

Sabi ng mga comment, ngayong nagpakita na sila in public, hindi na kailangan ang long shot kapag nasa rest house ni Gerald si Julia sa Botolan, Zambales. Wala na ring mga larawan na braso lang ni Gerald ang ipinapakita habang nagda-drive katabi si Julia.
Puwede na rin daw i-post nina Julia at ng kanyang pamilya ang photos nang magpunta sila sa Hayati Private Resort ni Gerald last year. Hindi pa kasi nag-a-out that time sina Gerald at Julia, kaya bawal munang mag-post ng photos.
May mga natuwa at kinilig sa pag-amin na ni Gerald sa relasyon nila ni Julia, pero may mga bashers din sila. Mukha raw silang magtito at may nag-comment naman na mukhang haggard si Gerald.
Ang hinihintay ngayon ng netizens ay ang reaction ng mother ni Gerald sa relasyon nito kay Julia. Maaalalang nasusulat na may mga relasyon si Gerald na hindi pabor ang kanyang ina at naging rason daw sa pakikipag-hiwalay ni Gerald sa GF na hindi pinapaboran ng kanyang ina.