ni Nitz Miralles
NAGLABAS ng disclaimer ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia para linawin na hindi niya Facebook account ang naglabas na kino-congratulate sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa kanilang relasyon.

Nasa IG Story ni Joshua ang fake FB account na may litrato niya at litrato nina Gerald at Julia na may nakasulat na “Congratulations Gerald Anderson and Julia
Barretto” at “Maging masaya tayo sa ikakaligaya ng iba.”
Heto ang pangontrang post ni Joshua, “FYI po, this one is not mine and i don’t have any active Facebook account. Kindly spread the info. Thank you.”
Tama lang na nilinaw ni Joshua ang tungkol dito dahil baka may mga maniwalang siya nga ang nag-post at akusahan siyang nagpapaawa sa naka-post sa fan account