Ni NORA V. CALDERON

DESIDIDO na ang 33-year-old actress na si Angelica Panganiban na mag-retire na sa paggawa ng teleserye. Noon pang September 2020, unang sinabi ang bagay na ito ni Angelica at inulit niya muli ngayon.

“Hindi iyon overnight decision,” sabi ni Angelica sa isang interview. “Ilang taon ko rin iyong pinag-isipan. Noon ko pa tinatanong ang sarili ko, bakit ko pa ginagawa at pinapagod ang sarili ko? Naisip ko na six years old pa lamang ako, pinapagod ko na ang sarili ko, kaya natanong ko rin ang sarili ko, kelan ka titigil?”

Napakarami na ring nagawang TV shows and teleseryes si Angelica kaya siguro napapagod na rin siya. “Hindi naman sa nawawalan na ako ng gana, kaya lang puwedeng dumating na rin ako dun sa oras na hindi ko na gusto ang ginagawa ko, at iisipin ng mga manonood na nilalaro ko na lamang ang character ko kasi ayaw ko na. Siguro ngayon, naibigay ko na ang 100 percent ng kaya kong gawin sa mga teleserye, sa bawat character na gampanan ko. Kaya ibibigay ko na sa mga susunod na artista sa akin ang mga nagawa ko nang roles.”

Dahil sa gigil? Sylvia Sanchez, pinag-shopping nang bongga ang apo

Sa ngayon, gusto raw ni Angelica na gumawa na lamang ng movies, tulad ng ginagawa niya ngayon with Coco Martin, ang Love or Money. Or hindi kaya gusto na ring mag-concentrate ni Angelica sa kanyang lovelife, sa non-showbiz boyfriend niyang si Gregg Homan, a businessman from Subic, Zambales?