Bumanat si Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno hinggil sa tunay na estado at kinaroroonan ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Kasunod ito ng kumpirmasyong isiniwalat ni Department of Justice (DOJ) Secretary Fredderick Vida nitong Martes, Abril 28, kung saan sinabi niya sa isang press briefing sa Philippine Embassy sa Prague na wala na umano sa kustodiya ng Czech Republic ang dating kongresista.
“I have to share difficult news mga kababayan, the Czech authorities have confirmed to us that Mr. Zaldy Co is no longer in their custody,” saad ni Vida.
Ayon naman kay Rep. Diokno, isa raw itong malaking kapalpakan.
“ISANG MALAKING KAPALPAKAN. The government must explain what happened,” saad ni Rep. Diokno sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Abril 28.
Anang kongresista, dapat daw na tiyakin ng pamahalaan sa mga Pilipino na ginagawa nila ang lahat upang maipabalik sa bansa si Co, at mapanagot sa mga batas na nilabag nito.
“They must also assure the Filipino people that they are doing everything possible to find Zaldy Co and bring him back to face accountability,” anang kongresista.
Matatandaaang mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang nagbahagi sa publiko na nahuli na raw si Co sa Prague, matapos itong bigong makapasok sa bansang Germany.
MAKI-BALITA: Zaldy Co, 'di pinapasok ng Germany kaya natiklo ng Czech—PBBM-Balita
Photo courtesy: Chel Diokno/FB, Rep. Zaldy Co/FB