May 22, 2026

Home BALITA National

Zaldy Co, 'di pinapasok ng Germany kaya natiklo ng Czech—PBBM

Zaldy Co, 'di pinapasok ng Germany kaya natiklo ng Czech—PBBM
Photo courtesy: File Photo

Inilahad sa publiko ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na hindi pinayagang makapasok sa border ng Germany si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co kaya raw pinabalik at nahuli ng mga awtoridad ng Czech Republic. 

Ayon sa naging pahayag ng Pangulo sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Abril 17, 2026, sinabi niyang nagpapatuloy pa rin ang pakikipagkoordinasyon nila sa awtoridad ng nasabing bansa.

“Our coordination with Czech authorities continues,” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: PBBM (FB)

Screenshot mula sa FB post ng Pangulo. 

Ani PBBM, napag-alaman nilang hindi pinayagang makapasok si Co sa border o hangganan ng bansang Germany kaya siya nahuli at nananatili na ngayon kustodiya ng mga awtoridad ng Czech. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“The latest information confirms that Zaldy Co was stopped at the German border after entering from the Czech Republic,” aniya. 

“He was denied entry and returned to Czech authorities, where he remains in custody,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang ang Pangulo rin mismo ang nagkumpirma sa pagkakaaresto ni Co sa pamamagitan ng paglalabas niya ng pahayag sa kaniyang Facebook post noong gabi ng Huwebes, Abril 16, 2026. 

MAKI-BALITA: Zaldy Co, tiklo sa pagpasok sa Czech Republic—PBBM

KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, 1-3 linggo bago makabalik sa Pinas—SILG Remulla