May 13, 2026

Home BALITA National

Zaldy Co, tiklo sa pagpasok sa Czech Republic—PBBM

Zaldy Co, tiklo sa pagpasok sa Czech Republic—PBBM
courtesy: Bongbong Marcos/FB, MB file photo

Arestado si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa Prague, Czech Republic, ayon sa kumpirmasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. nitong Huwebes ng gabi, Abril 16, 2026.

Kasunod ito ng mga usap-usapan sa social media na nahuli na si Co sa naturang bansa.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Marcos na kasalukuyan nang nakakulong si Co sa Prague matapos umano itong tumawid sa Czech Republic nang wala umanong tamang dokumento.

"Nahuli na si Zaldy Co. He is now detained in Prague after crossing into the Czech Republic without proper documentation and is currently in the custody of Czech authorities," saad ng Pangulo.

Kasalukuyan na ring nakikipag-ugnayan ang Pamahalaan ng Pilipinas sa Pamahalaan ng Czech. 

National

'Maghintay lang sila:' Sen. Bato, sumagot sa 5 senador na pinapasuko siya!

"We are in close coordination with the Czech government to ensure that all legal processes are followed and to arrange for his return to the Philippines at the soonest possible time," dagdag pa ni Marcos. 

"We will keep the public informed as developments unfold."

Matatandaang noong Enero, sinabi ni Kinumpirma ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na nasa Portugal si Co kasama ang kaniyang pamilya.

Basahin: Zaldy Co daming pera, kasama na buong pamilya sa Portugal—SILG Remulla

Si Co ang itinuturong isa sa mga malalaking pangalang nauugnay sa budget insertions at kickback sa pagpopondo ng palpak na flood control projects noong 2025.

Nahaharap din siya sa mga reklamong plunder na inihain ng NBI.