Ni DANTE A. LAGANA
MUKHANG nagugustuhan na ni Josh, ang panganay na anak ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang tumira sa Tarlac na kung saan ang root ng mga Cojuangco. Ayon kay Kris mukhang wala na raw talagang balak umalis ni Josh doon.

Ipinost ni Kris sa kanyang Instagram ang larawan ng kanyang anak kasama ang ninang at gobernadora ng Tarlac. Sa caption nakasulat: “My Tarlac resident with his favorite “pretty Ninang” @boss1020 and the hard working & warm hearted governor of Tarlac, Gov Susan Yap... wala na talagang balak umalis si kuya sa “Alto” (that’s the compound of my mom’s family) and for me, kung saan sya pinaka HAPPY, then full support ako... our deal is everyday he needs to brisk walk or jog in the morning for at least 1 hour- and i can see he’s keeping his end of the bargain... nagulat talaga ako, tumanggi to join us sa beach, FOREVER na raw sya in Tarlac. Kay Kuya Josh, may forever... (thanks for the pic Ate Celds @celdasan).”Maraming followers ni Kris ang natuwa sa ibinahagi niya kaya naman tinadtad siya ng mga comments. May isa ang sabi mas masarap daw at simple kasi ang life sa province. Sumangayon naman si Kris na handang sumagot sa mga comments. Pero sa kanyang pagsagot ay tila hindi pa sila nakakahanap ng probinsyang titirhan. Matatandaang hayagang sinabi ni Kris na gusto nilang manirahan sa probinsya for health reasons. Aniya, “I agree- my problem is because of my autoimmune I need the sea breeze... walang dagat sa Tarlac... my very close friend @mylynpc namroblema rin kasi wala rin namang beach sa Pampanga... tumingin kami sa Bataan- umatras ako kasi ang mahal na dun sa development na gusto ko... humanap na rin in Pangasinan... obviously comfortable ako sa byaheng NLEX-SCTEX-TPLEX... nag consider sa Puerto Galera kasi NAPAKABAIT ni mayor Rocky & everyone we got to know, pero sorry kung weird- we need very strong WiFi because may scheduled FB postings to fulfill contract obligations & i’ll do a few shoots that will be very big files (mahaba na ‘to- care bears na kayo) - anyway, in 2 weeks we’ll go and hopefully the 10 weeks (or so) of fresh sea air will strengthen my immunity and lessen my chronic urticaria.”Sa dami ng mga suggestions ng mga netizens sa mga probinsyang puwedeng tirhan ni Kris saad niya ang sarap daw ng maraming choices and feels wonderful daw na maraming probinsya ang gustong umampon sa kanila. Well, saan pa’t makakahanap din si Kris ng lugar na swak at sapat sa kanyang kailangan para na rin sa kalusugan niya at bilang Queen of All Media.