NEW YORK (AFP) — Kahit wala si Kevin Durant, matikas ang Brooklyn Nets sa tambalan nina Kyrie Irving at James Harden.

Nagsalansan si Irving ng 27 puntos at siyam na assists, habang kumana si Harden ng 20 puntos para hilahin ang winning streak sa walo mula nang lumipat sa Brooklyn sa dominanteng 129-92 panalo kontra sa Orlando Magic nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Tangan ng Nets ang pinakamahabang winning streak sa NBA at pinakamahaba mula sa franchise record-tying 14-game run noong 2005-06 season. Mula sa New Jersey, lumipat ang Nets sa Brooklyn noong 2012.

Naitala ng Nets ang winning run na wala si Durant, nagmintis sa ika-anim na sunod na laro matapos magtamo ng strained sa kaliwang hamstring. Sa tambalang Irving- Harden, naitala ng Nets ang 7-2 karta.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

BUCKS 129, PELICANS 125

Sa Milwaukee, nakopo ng Bucks, sa pangunguna ni Giannis Antetokounmpo na may 38 puntos, ang ika-apat na sunod na panalo nang pataubin ang New Orleans Pelicans.

Kumana si All-Star Zion Williamson ng 34 puntos at tumipa si Brandon Ingram ng 23 para sa Pelicans.

GRIZZLIES 122, CLIPPERS 94

Sa Memphis, naitala ni Tyus Jones ang career-high 20 puntos sa panalo ng Grizzlies laban sa Los Angeles Clippers.

Nalimitahan si Kawhi Leonard sa 17 puntos, habang kumana ng tig-13 puntos sina Paul George at Serge Ibaka.

KNICKS 140, KINGS 121

Sa New York, pinaluhod ng Knicks ang Sacramento Kings.

Tumipa si Immanuel Quickley ng 25 puntos at umiskor si Julius Randle ng 21 puntos at 14 rebounds.

Sa iba pang laro, naungusan ng Washington Wizards, sa pangunguna ni

Bradley Beal na may 33 puntos, ang Denver Nuggtes, 122-119; nagwagi ang Sixers sa Mavericks, 111- 97.