Nina Dante Lagana at Nora V. Calderon
Masayang bumabalik si Albert Martinez sa dati niyang tahanan, ang GMANetwork, kung saan siya nagsimula ten years ago. Nakakasa agad ang isang GMAAfternoon Prime series na pagbibidahan ni Albert, titled Las Hermanas.
Nitong Martea, ginanap na ang zoom meeting niya with the creative and production teams ng series, sa pamumuno ni Creative Director Aloy Adlawan.
Ibinahagi sa Instagram ng GMANetwork ang picture na kasamang naka-thumbs up si Albert habang may nagaganap na Zoom meeting.
Sa caption nakalagay, “Something cooking with @albertmartinezph! Abangan ‘yan soon on GMAAfternoon Prime!”
Kabilang sa meeting ang ilang mga kilalang taga-GMA-7 gaya nila Creative Director Aloy Adlawan, Creative Consultant Kit Villanueva Zapata, Creative Head RJ Nuevas, Project Manager Camille Hermoso-Hafezan, Head Writer Geng Delgado at Exectutive Producer Marissa Hilario.
“I am excited about this project, and I want to tape it the soonest,” sabi ni Albert. Si Albert pa lamang ang ni-reveal ng production na gaganap sa serye, at tiyak na ipagtatanong ng netizens kung sinu-sino ang makakasama niya sa cast.
Samantala, naging masaya ang Christmas ni Albert dahil nakasama niya sa bahay niya ang kanyang ama, at isa-isa ring dumating ang mga anak nila ng yumaong asawa, si Liezl. Si Alissa ay nagsilang ng panganay niya at doon tumuloy kay Albert, nagsilang din ang dating aktres na si Miki Hahn, wife ni Alfonso, at dumiretso rin sa kanya from the hospital. Kaya para raw naging nursery ang bahay niya na madali niyang ipina-renovate ang rooms para sa mga apo. At sinurpresa din sila ni Alyanna na dumating from Los Angeles, with her husband and child. Kaya masayang-masaya si Albert na hindi lamang mga anak niya ang nakasama niya, kundi ang tatlo rin niyang mga apo during the holidays. Na-miss nila si Liezl na pangarap noong nabubuhay pa, na magkaroon na sana sila ng apo ni Albert. Nakaalis na ngayon ang mga anak at apo ni Albert, at malilibang pa rin siya dahil magsisimula na ang lock-in taping nila ng Las Hermanas.