ni Mercy Lejarde
MAKAKAHABOL na sa panonood ng pinakahuling episodes ng ABS-CBN entertainment shows ang viewers saan mang bahagi ng bansa dahil available na ngayon ang mga ito sa loob ng pitong araw sa Kapamilya Online Live sa parehong YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.
Masusubaybayan sa Kapamilya Online Live ang latest episodes ng mga teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo Ay Akin, Walang Hanggang Paalam, at Bagong Umaga, pati na ang It’s Showtime, ASAP Natin ‘To, Magandang Buhay, Paano Kita Mapasasalamatan, Iba ‘Yan, at MMK.
Makakakuha rin ng saya at mahahalagang aral sa weekly talk shows na Real Talk: The Heart of the Matter nina Dyan Castillejo, Mikee Cojuangco-Jaworski, at pastor Monique Lopez-Ong, Lucky’ng Tulong ni Luis Manzano, at Showbiz Pa More ni DJ Jhai Ho sa YouTube.
Bukod sa bago at kasalukuyang umeereng mga palabas, makakapanood din sa Kapamilya Online Live ng mga minahal na serye gaya ng Pangako Sa ‘Yo, Be Careful With My Heart, The Good Son, Asintado, Ipaglaban Mo, Pasion De Amor, Honesto, Since I Found You, at game show na Pilipinas, GKNB?
Sa YouTube, tuloy-tuloy ang panonood simula umaga hanggang gabi habang sa Facebook naman ay may regular na timeslots ang lahat ng programa at may break sa pagitan ng timeblocks.