Ni NORA V. CALDERON
TAMPOK sa espesyal na pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng Tunay na Buhay ang showbiz icon na tinaguriang ‘everybody’s favorite’ na si “Bossing” Vic Sotto.
Apat na dekadang naging bahagi si Bossing sa buhay ng maraming Pinoy bilang si Victorio Ungasis sa Iskul Bukol, as Enteng Kabisote sa Okay Ka, Fairy Ko, at sa kasalukuyan, as Barak Otogan sa Daddy’s Gurl, at siyempre, sa longest-running noontime variety show na Eat Bulaga.
Makakapanayam ng host ng “Tunay Na Buhay” na si Pia Arcangel ang beteranong actor at komedyante kung saan, ibabahagi niya ang kaniyang mga personal na kuwento magmula sa kanyang pagkabata, pagsisimula sa industriya ng showbiz at ang mga prinsipyo niya bilang isang ama. Makakasama rin niya sa kuwentuhan ang misis niyang si Pauleen Luna-Sotto, kasama ang favorite bonding moments nila sa anak na si Talitha o Tali.
Siyempre, hindi pahuhuli ang mga Dabarkads niya sa “Eat Bulaga,” sa pagri-reveal ng mga trivia tungkol sa kanya. Anu-ano kaya ang ibubuking nila tungkol kay Bossing?