ni Marivic Awitan

HINDI na idaraos ang PBA Draft Combine na nakatakda sana sa Marso 10 at 11.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nagdesisyon silang ikansela ang event para na rin sa kaligtasan ng mga players at ng lahat ng taong may kinalaman sa nasabing draft combine.

Pangunahin pa rin aniyang responsibilidad at tungkulin ng liga na tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng kalahok at mga staffs ng event lalo’t patuloy pa rin ang ginagawang mga hdkbang sa pangunguna ng pamahalaan upang mapigul at tuluyan ng masawaa ang paglaganap at hawahan ng COVID-19 virus.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Kinunsidera rin ang travel guidelines ng gobyerno na kinakailangan pa ng 14 day quarantine period para sa mga Filipino partikular yung mga galing sa labas ng bansa.

Marami pa rin kasing mga Fil-foreign aspirants ang di pa nakakarating ng Pilipinas na tiyak na maaapektuhan ng mga nasabing travel guidelines at restrictions bukod pa yung mga nasa probinsiya at bago pa lamang papasok ng Metro Manila.

Mayroon ding mga players na kasali sa draft na pinahintulutang kompletuhin at tapusin ang kanilang obligasyon sa kanilang mga dating teams na sasabak sa nakatakdang pagpapatuloy ng MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) playoffs.

Itutuloy naman ang Annual PBA Rookie Draft sa Marso 14 na posible namang idaos online.