July 23, 2026

Home BALITA Internasyonal

Dasal ni Pope Leo XIV ngayong Hulyo: Irespeto ang buhay ng tao

Dasal ni Pope Leo XIV ngayong Hulyo: Irespeto ang buhay ng tao
Photo Courtesy: Screenshot from The Pope Video (YT)

Ipinanalangin ni Pope Leo XIV ngayong buwan ng Hulyo ang pagrespeto sa buhay ng sangkatauhan.

Sa kaniyang buwanang “Pray with Pope” video na inilabas noong Huwebes, Hulyo 2, kinilala ni Pope Leo XIV na nilikha ng Diyos nang may pag-ibig at ganap na mamuhay.

“Each person is a sacred gift that reflects your face from the first instant of existence to the final breath of their journey on earth,” saad ng Santo Papa.

Dagdag pa niya, “Today, we ask for the grace to recognize and protect the unique and unrepeatable value of every human being.”

Hiniling din ni Pope Leo XIV na matutuhan sana ng bawat isa na tanggapin ang buhay nang walang pasubali, kalingain nang may malasakit ang karupukan, at buong tapang na ipaglaban ang mga walang boses

Internasyonal

Mayor Mamdani, sang-ayong arestuhin si PM Netanyahu

Bukod dito, humingi rin ang Santo Papa ng kapatawaran para sa lahat.

Aniya, “Forgive us, Lord, when we fall into indifference or the culture of discard,  when we failt to see in others a being worthy of love.”

Matatandaang noong buwan ng Hunyo ay ipinagdasal naman ni Pope Francis na maging kasangkapan sana ang sports para makamit ang kapayapaang inaasam.