Pinaulanan ng sandamakmak na mura ni disbarred lawyer at Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon si Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y kakulangan nito sa talino.
Sa latest Facebook post ni Gadon nitong Biyernes, Hulyo 3, mapapanood ang video statement niya kung saan pinuna niya ang pahayag ng Bise Presidente tungkol sa nangyaring pamamaril sa Tacloban.
Aniya, “Ito talagang si VP Sara Duterte na ito ay saksakan ng boba at tanga. Isipin mo, sabihin ba naman niya na 'yon daw nangyari sa Tacloban do 'n sa pamamaril ng mga bata ay nagkulang daw sa intelligence ang ating pamahalaan.”
“Ano? Intelligence? Ang intelligence,” pagpapatuloy ni Gadon, “ginagamit 'yan do'n sa mga enemies of the state. Do'n sa mga rebelde. Hindi doon sa mga bata.”
“Alangan namang lahat ng mamamayan babantayan mo isa-isa kung anong gagawin? 'Di mo ba naisip 'yon? Napakatanga mo. Boba ka! [...] Intelligence-intelligence. That’s what you lack in intelligence, “ dugtong pa niya.
Paliwanag ni Gadon, ginagamit lang umano ang pondo para sa intelligence para maniktik sa mga tinaguriang “enemy of the state.”
Matatandaang hindi ito ang unang beses na tinawag ni Gadon na “boba” si VP Sara. Sa isang video statement niya noong Disyembre 2025, pinagbibitiw niya ang Bise Presidente dahil aniya’y walang moral ground para mamuno.
Maki-Balita: ‘Isa kang boba!’ Larry Gadon, pinagbibitiw si VP Sara