August 19, 2026

Home BALITA

‘Bavi,’ lumakas bilang Super Typhoon sa labas ng PAR

‘Bavi,’ lumakas bilang Super Typhoon sa labas ng PAR
Photo Courtesy: via MB

Idineklara na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tropical cyclone (TC) na “Bavi” bilang isang super typhoon.

Kasalukuyan pa itong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA nitong Biyernes, Hulyo 3, mabilis naging super typhoon ang nasabing tropical cyclone as of 8 p.m.

Inaasahang papasok sa bansa ang tropical cyclone sa Miyerkules, Hulyo 8, at tatawagin ito sa local name na "Inday,” ang ikalawang bagyo ngayong Hulyo. 

Kung gustong mapabilis! Akbayan pinapaharap si VP Sara sa Senado