ni Betheena Unite

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang P50 milyong halaga ng sigarilyo na mula sa China nang tangkaing ipuslit sa Port of Cagayan de Oro, kamakailan.

Sa pahayag ng BOC, nagulat sila nang madiskubreng pawang sigarilyo ang naharang na kargamentong naunang idineklara bilang furniture, nitong Pebrero 14.

Ang kargamento ay dumating sa Mindanao Container Terminal (MCT) sa Tagoloan, Misamis Oriental at naka-consign sa MRC 418 Direct Import Export Corporation.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Idinahilan naman ng kagawaran, hinarang nila ang kargamento

bilang tugon sa natanggap na impormasyong kaduda-duda ang laman nito