ni Czarina Nicole Ong Ki
Nahatulan si dating mayor Alberto Bacaylan Acain ng Libertad, Misamis Oriental at apat na iba pang mga opisyal ng bayan ng pagkabilanggo mula anim hanggang walong taon sa bawat isa sa dalawang bilang ng kasong graft na isinampa laban sa kanila sa iregular na pagbili ng P4.9 milyon halaga mga pataba noong 2004.
Isinakdal din ng Sandiganbayan sina dating municipal engineer Oscar Anino Benlot, municipal civil registrar Isidro Namocot Gervacio, municipal budget officer Elizabeth Abut Pagalan, at municipal asseser Sergio Agagaring Jacalan Jr.
Nagpasiya ang korte ng anti-graft court na ang pagbili ay “dali-dali na isinagawa” at “was concluded even without any validation of the relevant documents submitted or background checks or post-qualification of the supplier.”
Ang desisyon ng korte ay isinulat ni Associate Justice Bernelito R. Fernandez at kasabay ni Presiding Justice Amparo M. Cabotaje-Tang at Associate Justice Ronald B. Moreno.